Bakit Mahalaga Ang Pagsulat At Pagbasa? (Sagot)
PAGSULAT AT PAGBASA – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung bakit nga ba mahalaga ang pagsulat at pagbasa at mga halimbawa nito.
Ang pagsulat at pagbasa ay isa sa pinakamahalagang bagay na dapat nating matutunan. Bukod sa pagbibigay ng impormasyon, ang pagbasa ay nagpapalwak din ng ating imahinasyon.
Karagdagan, ang pagbasa ay nagbibigay sa atin ng kakayahang maging kritikal sa ating pag-iisip. Ito’y dahil makakakuha tayo ng mahahalagang impormasyon at mas madali nating malalaman kung tamo nga ba ito o hindi.
Ang pagsulat naman ay mahalaga dahil isa itong instrumento ng pagpapahayag. Ating dapat malaman na ang komunikasyon ay isa sa mga pondasyon ng isang komunidad. Kaya naman, dapat nating malaman ang mga paraan ng komunikasyon.
Nakakatulong din ito sa paglinang ng lohikong pag-iisip at paglutas sa suliranin. Tunay na mahalaga ang pagbasa at pagsulat, upang ang iyong kaalaman at pakikipag-komunikasyon ay umunlad.
Ang pagbasa at pagsulat ay hindi batayan ng pagiging matalino ng isang tao. Pero, ito ay mas lalong makakapag-angat sa katalinuhan ng isang tao.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
READ ALSO: Idyoma Tungkol Sa Buhay – Halimbawa At Kahulugan Nito