Halimbawa Ng Teorya Ng Bow Wow At Kahulugan Nito
BOW WOW – Sa paksang ito, ating pag-aaralan kung ano nga ba ang teorya ng bow wow, ang kahulugan at mga halimbawa nito.
Kahit nakakatawa man pakinggang, ang Teorya ng Bow Wow o “Teorya Ng Pinagmulan Ng Wika” ay isang mahalagang paksa na ating dapat bigyang pansin.
Ayon sa mga iskolar, tinatayang may 3,000 na taon nang nakalipas na magkaroon ng interes ang tao sa pag-aaral ng pinagmulan ng wika. Isa lamang “Teoryang Bow Wow” sa mga ito.
Ang teoryang ito ay nagsasabi na maaaring nagmula ang wika ng mga tao sa panggaya o panggagad ng tunog na galing sa kalikasan. Sinasabi rin dito na dahil primatibo lamang ang mga tao, sinusunod lamang nila ang kanilang naririnig na mga bagay-bagay.
Heto ang mga halimbawa:
- Tahol ng aso – unog ng aso ang ginagaya nila kaya naman ginagaya nila ay ang uunog na aw-aw.
- Tunog ng tuko – tinawag na tuko ang malaking butiki na ito dahil sa kanyang tunog.
- Ihip ng hangin – Shhhhh
Kung ating bigyang pansin, makikita natin ang teoryang ito sa mga kabataan o mga sanggol na natututo pa lamang magbigkas ng kanyang unang mga salita. Ang dahilan kung bakit nakapag sasalita ang mga bata ay dahil sa pang-gaya ng mga tunog.
Sa mga sanggol nagsisimula ito sa mga madaling tunog lamang katulad ng “mama” o “papa”.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Paano Gumawa Ng Talata? – Halimbawa At Iba Pa