Paano Gumawa Ng Talata? – Halimbawa At Iba Pa

Sagot Sa Tanong Na “Paano Gumawa Ng Talata?”

TALATA – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung paano nga ba gumawa ng isang magandang talata at ang mga halimbawa nito.

Ating tandaan na ang isang talata ay ang pagsama-sama ng mga pangungusap na gumagawa ng isang buong ideya o kaya’y maraming kaisipan. Pero, ang pag-gawa ng mabuting talata ay depende sa kung paano mo mai-uugnay ang mga ideyang ito.

Paano Gumawa Ng Talata? – Halimbawa At Iba Pa

Basta’t bumubuo ng isang kaisipan ang pagsama-sama ng mga pangungusap, ito ay ating matatawag na talata. Heto ang mga dapat tandaan sa pagsulat nito.

Dapat muna nating tignan ang paksa na gusto nating pagbigyang pansin. Ito’y dahil ang mga unang sinusulat sa isang talata ay ang pangunahing ideya. Pagkatapos nito, ang pangalawahing ideya.

Magkakasuwato dapat ang kaisipan sa isang talata upang hindi mahihirapan ang tagapagbasa at masasalamin sa tagapagsulat ang mga katangian na gusto mong ipahiwatig.

Para sa mga halimbawa ng talata, subukan mong manood ng balita o magbasa ng mga balita sa dyaryo.  Makikita mo doon ang mga katangiang dapat taglayin sa paggawa ng talata.

Thanks for reading. We aim to provide our readers with the freshest and most in-demand content. Come back next time for the latest news here on Philnews.

BASAHIN DIN: Talata Tungkol Sa Bagong Taon – Halimbawa At Iba Pa

Leave a Comment