Pangngalang Lansakan Halimbawa At Kahulugan Nito

Ano Ang Kahulugan Ng Pangngalang Lansakan At Halimbawa Nito? (Sagot)

PANGNGALANG LANSAKAN – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang pangngalang lansakan at ang mga halimbawa nito.

Ating tandaan na ang lansakan ay isang uri ng mga pangngalan. Ito ay matatawag din na maramihan. Ito’y naglalarwan sa dami o bilang na pinagsama-sama pero hindi tiyak na ma bilang ng eksakto.

Ang mga halimbawa nito ay isang “grupo” ng tao. Dito, masasabi natin na maraming tao ang nasa isang grupo. Pero, kapag ginamit natin ang salitang “Grupo” ito’y hindi naglalarawan kung ilang tao ang nasaloob nito.

Pangngalang Lansakan Halimbawa At Kahulugan Nito

Bukod dito, ang mga salitang lansakan ay nagsasaad ng kaisahan, karamihan, o kabuuan. Heto ang mga halimbawa:

  • Kumpol
  • Tali
  • Batalyon
  • Tropa
  • Grupo
  • Pangkat
  • Samahan
  • Pamilya
  • Mag-anak
  • Hukbo
  • Lahi
  • Tribo
  • Pangkat
  • Pumpon
  • Buwig
  • Organisasyon
  • Tumpok
  • Klase
  • Angkan
  • Unyon

Heto ang mga halimbawa ng gamit nito sa mga pangungusap:

  • Si Peter ay mayroong isang kumpol na grapes na binili ng kanyang tatay.
  • Grupo-grupo ang lumahok sa isang paligsahan sa aming paaralan.
  • Nakita namin ang paglipad ngkawan ng ibon.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN DIN: Patakarang Pasipikasyon Kahulugan At Halimbawa Nito

Leave a Comment