Heto Ang Halimbawa Ng Payak Na Tanka Tungkol Sa Pagsubok
TANKA – Sa paksang ito, ating tatalakayin ang mga halimbawa ng payak na tanka tungkol sa pagsubok.
Ang tanka, katulad din ng mga haiku, ay galing sa bansang Japan. Ang mga maikling tulang ito ay naging parte ng kanilang kultura at tradisyon at ginagamit pa rin hanggang ngayon.
Kahit maiksi lamang ang mga tulang ito, ang mga tanka ay naglalarawan sa mga pangyayaring sumasalamin sa totoong buhay. Ito rin ay nagbibigay sa atin ng ideya sa mga emosyon ng tagasulat.
Heto ang halimbawa tungkol sa pagsubok:
Pagusbok natin
Huwag nating lalayuan
Ating harapin
Ng ating buong tapang
‘Yan ang aking mithiin.
Ang kabataan
Ay pagasa ng bayan
At ang pagsubok
Na hinaharap nila
Ay daan sa pagunlad
Ang mga ilaw
Na lumaban sa dilim
Pagsubok natin
Na dapat ay tapusin
‘Yan ay ating tandaan
Ating harapin
Ang lahat ng pagsubok
Ng buong puso
Para sa mga taong
Nagmamahal sa atin.
Sa hinaharap,
Pagsubok ay mahirap
Pero kaya natin
At ito’y haharapin
Aking sigaw sa hangin
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Patakarang Kooptasyon Kahulugan At Halimbawa Nito