Ano Ang Pragmatikong Pahayag? (Sagot)
PRAGMATIKONG PAHAYAG – Sa paksang ito, ating aalamin kung ano nga ba ang kahulugan ng isang pragmatikong pahayag at ang mga halimbawa nito.
Ang isang pragmatiko o tinatawag na pragmatiks ay isang sangay ng linggwistik. Ito ang nag-aaral sa mga paraan na kung saan ang konteksto ng isang salita ay siya mismo naging bahagi ng kahulugan nito.
Ating makikita sa isang pragmatiks ang iba’t-ibang teorya ng pananalita, pag uusap, pakikipagtalastasan, at iba pa para sa larangan ng Pilosopiya, Sosyolohiya, at iba pang sangay.
BASAHIN DIN: Paano Nakakatulong Ang Sanaysay? – Halimbawa At Kahulugan
Bukod dito, ang pragmatiko din ay nag aaral sa kung paano nagbabago ang kahulugan ng salita hindi lamang sa kung paano ito ginagamit kundi pati na rin sa paraan ng paggamit nito sa pagsasalita, kaalaman ng kausap at ang gustong ipahiwatig ng tagapag salita.
Ang pragmatikong pahayag ay isang sangay ng semiotika o semantikang nag-aaral sa ugnayan ng mga ipinapakitang senyales o paraan ng paghahayag, at pati na ng mga taong gumagamit nito.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Hyperbole Na Pahayag Halimbawa At Kahulugan Nito