Sagot Sa Tanong Na “Ano Ang Pamayanan?”
PAMAYANAN – Sa paksang ito, ating aalamin kung ano nga ba ang isang pamayanan, ang kahulugan, at ang halimbawa nito.
Ang isang pamayanan ay ang pagsasama ng mga tao sa iisang lugar. Maliban sa heograpiya na kung saan sila nakatira, may iba’t-ibang uri rin ng pamayanan tayong makikita. Isang halimbawa nito ay ang online na pamayanan o ang tinatawag na “online community”.
Ito ay ang samahan ng iba’t-ibang tao galing sa iba’t-ibang lugar pero sila ay may parehong hilig kaya nagkaroon sila ng kani-lanilang mga “pamayanan” s ainternet. Halimbawa nito ay ang mga “server” sa discord at ang mga Facebook group.
Ating tandaan na ang “pamayanan” ay maaaring maging isang pisikal o metaporikal na konsepto depende sa konteksto nito. Para making isang pamayanan, dapat magkaroon ng grupo ng taong nagsasama dahil magkapareho sila ng gusto o hilig.
Ito rin ang tawag sa grupo ng mga tao na magkapareho ang paniniwalang ideya o opinyon sa mga bagay. Dahil dito, matatawag natin ang isang simbahan na isang “pamayanan” dahil ang mga tao dito ay may iisang paniwala.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Bakit Mahalaga Ang Talata? – Halimbawa At Kahulugan Nito