Pagkakaiba Ng Kahawig At Kamukha – Halimbawa At Kahulugan Nito

Ano Ang Pagkakaiba Ng Salitang “Kahawig” At “Kamukha”? (Sagot)

KAHAWIG AT KAMUKHA – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang pagkakaiba ng kamukha at kahawig.

Ang dalawang salita na ito ay malapit lamang sa isa’t-isa. Masasabi natin na ang kahawig at kamukha ay magkapareho ang kahulugan. Pero may mga malalaking pagkakaiba ang dalawang salitang ito.

Pagkakaiba Ng Kahawig At Kamukha – Halimbawa At Kahulugan Nito

Pag sinabi natin na magkamukha ang dalawang tao, ang sinasabi natin ay magkapareho ang pisikal na anyo ng dalawang ito. Sa salita pa lamang na “mukha”, alam na natin na ito ay tumutukoy sa pagkakapareho ng mukha ng dalawang tao.

Pero, kapag sinapin natin na kahawig, ito ay hindi lamang limitado sa pisikal na kaanyuan ng isan tao. Masasabi natin na magkahawig ng mukha ang dalawang tao, pero atin ring magamit ang “kahawig” sa ibang konteksto.

Halimbawa, masasabi natin na kahawig ang dalawang tao sa kanilang ugali. Bukod dito, ang kahawig ay magagamit natin kapag naglalarawan sa ibang pang aspeto ng isang tao.

Isa pang halimbawa nito ay ang paraan ng pagtawa ng isang tao. Masasabi natin na “magkahawig ang tawa” ng dalawang magkaibang tao.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN DIN: Sinasalamin Ng Panitikan Ang Buhay – Halimbawa At Kahulugan Nito

Leave a Comment