Tungkulin Ng Mga Prayle – Ano Ang Tungkulin Ng Mga Prayle? (Sagot)

Ano-Ano Ang Mga Tungkulin Ng Isang Prayle? (Sagot)

PRAYLE – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang iba’t-ibang mga tungkulin ng mga prayle.

Ang pangunahing layunin ng mga prayle ay ang mapalaganap ang kristiyanismo at maturuan ng mga magagandang mga asal ang mga Indio. Karamihan sa mga prayle na pumunta sa Pilipinas ay mga Kastila.

Tungkulin Ng Mga Prayle – Ano Ang Tungkulin Ng Mga Prayle? (Sagot)

Subalit, mayroon ding mga Prayleng Pilipino. Isa rin sa mga tungkulin nila ay ang turuan, tulungan, at pagbuklurin ang pananampalataya ng lipunang kanilang sinasakupan.

Ginagawa nila nito sa pamamagitan ng pag-gawa ng simbahan at mga paaralan upang maturuan ang mga miyembro ng lipunan. Tungkulin din ng nila ang pagpapanatili ng kaayusan ng simbahan sapagkat itoy sagradong lugar.

Sa mga nobela ni Jose Rizal na El FIlibusterismo at Noli Me Tangere, ang mga Prayle ay ipinakita na korupt at masama. Ito’y dahil ang mga Prayle sa panahon ni Rizal ay may malaking impluwensiya sa mga tao.

Dahil dito, marami silang kapangyarihan sa lupa at sa sistema ng lipunan. Kadalasan, sila rin ang namamahala sa isang lugar na kanilang sinasakop. Subalit, gusto ring ipakita ni Rizal na hindi lahat ng mga ito ay masasamang tao.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN DIN: Ambag Ng Sinaunang Kabihasnan Halimbawa At Iba Pa

Leave a Comment