Damdamin Matapos Basahin Ang “Tulang Punongkahoy”

Ano Ang Mga Damdamin Mo Matapos Basahin Ang Tulang “Punongkahoy”

PUNONGKAHOY – Sa paksang ito, tatalakayin natin ang mga damdamin ng ilang mga estudyante matapos nilang basahin ang tulang “punongkahoy”.

Ang tula ni  Jose Corazon de Jesus ay naglalarawan sa pag-iisip ng akda. Inilarawan niya ang kanyang sarili na sumasamba sa ating Diyos. Para sa iba, ang puno ay isang pampalagian makahoy na halaman. Kaya naman, inahintulad ito sa buhay ng akda.

Damdamin Matapos Basahin Ang "Tulang Punongkahoy"

Maraming mga malalalim na salitang nagamit para sa tula at kailangang pag-aralan ng mabuti ubang ma intindihan ang mga nais ipahiwatig ng may akda. Isa sa mga damdamin na nakuha sa tulang ito ay ang pagkakaroon ng tatlong mahalagang aral:

  • magmahal ng lubos
  • tumulong sa mga oras na kailangan
  • lubusin ang buhay na ipinagkaloob

Hindi katulad ng isang punong kahoy, madali lamang na mawala ang buhay ng mga tao. Kaya dapat tayong magmahal ng lubos dahil sa huli, ang pagmamahal natin ay isa sa mga bagay na maaari nating ipasa kahit tayo’y mawala man sa mundo.

Dahil tayo rin ay tao lamang na nangangailangan, dapat tayong tumulong sa iba hangga’t makakaya natin. Dahil nga, makukuha lang natin ang mga bagay na handa nating ibigay. Panghuli, dapat nating lubusin ang mga araw na tayo’y nasa mundo na ito.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN DIN: Halimbawa Ng Eulohiya – Kahulugan At Halimbawa Nito

Leave a Comment