Saan Ang Tagpuan Sa Kwentong “Ang Mga Bata”? (Sagot)
ANG MGA BATA – Sa mga Filipino module ngayon, nabibigay ang tanong na “saan ang tagpuan ng kwentong Ang Mga Bata”.
Sa kwentong ito, naisasalaysay ang buhay ng anim na mga bata. Ang pinakamatandang bata ay 12 anyos. Kasunod nito ay ang nakababata niyang babaeng kapatid na 11 anyos. Mayroon ding dalawang kambal na 9 anyos at isang maliit na babae na 6 anyos. Panghuli, mayrooong bata na 2 anyos pa lamang.
![Tagpuan Sa "Ang Mga Bata" – Mga Tagpuan Sa Kwento](https://philnews.ph/wp-content/uploads/2020/12/image-216.png)
Ang mga batang ito ay maingay dahil wala silang makain. Pero, sa kabutihang palad, nakauwi ang kanilang ama na may dalang pansit guisado. Ngunit, mapalad lamang sila kapag umuwi ito ng hindi lasing at hindi na gugulpi ang kanilang ina.
Kapag umuwi ang ama nila na padabug-dabug, sigurado wala silang makakain. Isang araw, masama ang naging timpla ng ama dahil na alis into sa trabaho. Umiyak ng malakas si Mui-Mui, ang masakitin nilang kapatid.
Dahil dito, nasapak ito ng kanilang ama at tumalsik ito sa kabila ng kwarto kung saan ito nanatiling walang kagalaw-galaw.
Ang mga tagpuan sa kwentong ito ay Ang Bahay ng Mag-Anak, Sementeryo, at Bayan.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Tula Tungkol Sa Wikang Filipino – Halimbawa Ng Mga Tula