Sagot Sa Tanong Na “Ano Ang Kahulugan Ng Munisipyo?”
MUNISIPYO – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang kahulugan ng isang munisipyo at ang pagkakaiba nito sa ibang sangay ng pamahalaan.
Ang isang munisipyo ay minsan ding tinatawag na isang munisipalidad. Ito ay isang lugar na kabahagi ng lokal na pamahalaan ng banasa o (LGU). Ang namumuno sa sangay na ito ay tinatawag na Mayor o Alkalde.
Ito rin ay binubuo ng Bise Alkalde at walong konsehal na kasama sa isang Lehislatura. Samantala, ang bumubuo naman sa Sangguniang bayan ng isang munisipyo ay ang walong konsehal, pangulo ng Sangguniang Kabataan (SK) at ang pangulo ng Liga.
Ang mga kasama sa Local Government Unit (LGU) ay ang mga taong nagsisilbe para sa mga miyembro ng komunidad na sinasakop ng isang munisipyo. Sila’y nagbibigay tulong sa pamamagitan ng pagtupad ng mga programa at iba pang kaganapan upang mapaunlad ang pamumuhay at ekonomiya ng isang lugar.
Kahit magkapareho ang plataporma ng lahat ng munisipyo sa Pilipinas, iba-iba ang pamumuhay ng mga tao depende sa namumuno nito. Masasabi natin na mas maganda ang buhay ng ibang tao dahil mayroong magaling na lider ang isang munisipyo.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Bahagi Ng Maikling Kwento – Halimbawa At Kahulugan Nito