Ano Ang Mga Bahagi Ng Maikling Kwento? (Sagot)
MAIKLING KWENTO – Sa paksang ito, ating tatalakayin ang iba’t-ibang mga halimbawa ng bahagi ng maikling kwento at ang kahulugan ng mga ito.
Ang mga maikling kwento ay isang halimbawa ng mga karunungang bayan. Ito ay mga kwentong kahit maiksi, ay nagbibigay pa rin ng mga mahahalagang aral. Heto ang mga bahagi nito:
Katulad lamang ng ibang mga kwento, ang mga bahagi ng isang maikli na kwento ay ang Simula, Gitna, at Wakas.
Simula – Sa simula ng isang maikling kwento naipapakilala ang mga tauhan. Hindi katulad ng mga nobela, dapat nang ipakita ang mga tauhan dahil wala ng oras na ipakita ito sa gitna o huling bahagi dahil limitado lamang ang kaganapan sa mga kwentong ito.
Dito rin ipinapakita kung saan ang mga tagpuan at suliranin ng kwento.
Gitna – Ang gitna ay binubuo ng saglit na kasiglahan, tunggalian, at kasukdulan.
Wakas – Dito nabubuo ang kakalasan at katapusan. Dito nakikita ang unti-unting pagkababa ng takbo ng isang kwento. Sa bahaging ito, naipapakita ang konklusyon ng probelma at kung paano ito na resolba.
Dito rin kadalasang makikita ang gintong aral ng isang kwento.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Bakit Mahalaga Ang Layunin – Halimbawa At Kahulugan Nito
TRGSY