Ano Ang Kahulugan Ng “Mabango Ang Kanyang Pangalan? (Sagot)
MABANGO ANG PANGALAN – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang kahulugan ng kasabihang “mabango ang kanyang pangalan” at halimbawa nito sa pangungusap.
Kapag sinabi natin na mabango ang pangalan ng isang tao, siya ay pinupuri o binibigyan ng puri. Ang isang tao na may mabangong pangalan ay taong kilala bilang mabuti at kanais nais.
Halimbawa, kapag ika’y may mabuting reputasyon o kilala na taong palaging nagbibigay ng tulong sa kapwa, masasabi na ang pangalan mo ay mabango. Bukod dito, maaari rin nating masasabi na ang “mabango na pangalan” ay tumutukoy din sa apilyedo ng isang tao.
Halimbawa, kapag ang pamilya mo ay kilala bilang mayaman o tinitingala, sila ay masasabi na may mabangong pangalan. Kapag ikaw ay kasama sa pamilyang ito, ang pangalan mo ay masasabi na mabango.
Heto ang mga halimbawa ng paggamit nito sa pangungusap:
- Kilala si Peter sa kanilang lugar dahil mabango ang kanyang pangalan.
- Mabango ang pangalan ni Eva sa mga taga phase III dahil sa tulong na binigay niya.
- Mabango ang pangalan ni Hector sa pamilya ng kasinathan niya.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Mahalaga Sa Tao Ang Paggawa – Bakit Mahalaga Ang Paggawa?