Paano Nagbabago Ang Wika – Halimbawa At Kahulugan

Sagot Sa Tanong Na “Paano Nagbabago Ang Wika”

PAGBABAGO NG WIKA – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung paano nga ba nagbabago ang wika at ang mga halimbawa nito.

Ang wika ay sadyang malikhain. Ito ay ang pangunahing instrumento ng komunikasyon na ginagamit ng tao. Pero, sa paglipas ng panahaon, ang wika ay nagbabago dahil sa iba’t-ibang dahilan.

Ilan lamang sa mga dahilan na ito ay ang pagbabago sa teknolohiya. Dahil dito, maraming makabagong salita ang nakikita kung saan nahuhumaling ang mga tao.

Paano Nagbabago Ang Wika – Halimbawa At Kahulugan

Bukod dito, ang wika ay nagbabago dahil ang mga pangangailangan ng kanyang tagapagsalita ang nagbabago din. Ang mga bagong produkto na dulot ng bagong teknolohiya at bagong mga karanasan ay nangangailangan ng mas klarong salita para ito ay ma bigyang kahulugan sa mas mahusay na paraan.

Halimbawa: Ang salitang “texting” ay tinawag dati na “messaging” dahil nabibigyan nito ng paraan ang mga tao na mag padala sa isa’t-isa ng text. Nang sumikat na ang messaging, mas ginamit na ng mga tao ang pinaikling pangalan nito na “text”. Kaya naman, sinasabi na lamang ng mga tao na “text kita mamaya” at hindi na “message kita mamaya”.

Kadalasan, ang wika ay nagbabago dahil sa mga kabataan at mga “young adult”. Habang nagkakaroon ng komunikasyon ang mga kabataan, ang wika ay napapalawak at ginagamit sa iba’t-ibang paraan sa nakasanayan ng mga matatanda.

Isang halimbawa nito ay ang salitang “tigas”. Sa paglipas ng panahon, ang tigas ay binaliktad ng mga kabataan at naging “astig”. Dahil dito, nagkaroon ng bagong salita na may bagong kahulugan.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN DIN: Slogan Tungkol Sa Kagandahang Asal – Halimbawa At Kahulugan​

Leave a Comment