Ano Ang Mga Katangian Ng Mabuting Editoryal? (Sagot)
MABUTING EDITORYAL – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang mga katangian ng isang mabuting editoryal at ang mga halimbawa nito.
Ang isang mabuting editoryal ay gumagamit ng mga datos na maaasahan na may kaugnayan sa tinatalakay na paksa. Bukod dito, kailangang maging preska ang mga datos na ito para mabigyan ng tamang impormasyon ang mambabasa.
Kailangan din na ang isang editoryal ay nakabase sa katotohanan at hindi sa emosyon o opinyon ng isang manunulat. Bago paman ipalabas ang isang editoryal, kailangan din munang usisain ito para tignan na walang pagkakamali sa gramatika at iba pa ang sulat.
Atin ding tandaan na ang isang mabuting editoryal ay hindi lamang nagbibigay ng impormasyon kundi naglalayong magbigay din ng isang katanugan – Ano na ngayon?
Dahil, sa taga paksa, makikita natin na may isang isyu o problema, pero, dapat din nating pagbigyang tuon ang maaaring maging epekto ng ating sulat tungkol dito. Kaya naman, dapat tayong gumawa ng editoryal na nakaka udyok ng mabuting kilos o decision sa mga madla.
Pero, baga paman dumating sa pokus ng mensahe, kailangan magkaroon ng magandang headline para maka akit ito ng mas maraming tagabasa.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Katangian Ng Isang Mananalisik – Halimbawa At Kahulugan Nito