Ano Ang Mga Katangian Ng Isang Mananalisik? (Sagot)
KATANGIAN NG MANANALIKSIK – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang mga Katangian Ng Isang Mananalisik at ang kahulugan nito.
Ang isang mananaliksik ay isang tao na mahalaga para sa lipunan. Ito’y dahil siya at ang kanyang mga kasama ay naglalayong pagbutihin ang buhay ng pangkalahatan sa pamamagitan ng pagsagot sa mga isyung panlipunan.

Pero, para maging isang mabuting mananaliksik, dapat mayroon kang mga katangian katulad ng sumusunod:
1. Masipag – kailangang maging masipag sa paghahanap at pagkolekta ng mga datos at pag-aaral sa lahat ng perspektibo at panig ang isang mananaliksik
2. Matiyaga – Sa pagkoletkta ng mga impormasyon, maaring imungkahi sa mga tagapayo ang pagdaragdag sa naunang mga nakalap na datos.
3. Maingat – Kailangang tintiyak ng mananaliksik ng lubusan ang isang bagay upang may sapat na katibayan o balidasyon ang anumang nakalap na impormasyon bago ito ipahayag.
4. Sistematik – Kailangang sundin ang sunod-sunod na mga hakbang.
5. Kritika o pamanuri – Kailangang kritikal o mapanuri ang isang mananaliksik sa pag eksamin ng mga impormasyon, datos, ideya o opinyon.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Katangian Ng Isang Estranghero – Halimbawa At Kahulugan