Katangian Ng Isang Estranghero – Halimbawa At Kahulugan

Ano Ang Mga Katangian Ng Isang Estranghero? (Sagot)

ESTRANGHERO – Sa paksang ito, ating aalamin kung ano nga ba ang kahulugan at mga katangian ng isang “Estranghero”.

Una sa lahat, atin munang kilalanin kung ano nga ba ang tinatawag na “Estranghero”. Ang salitang “Estranghero” o “Stranger” sa Ingles ay matatawag na bagong salta, dayo, o hindi kilala.

Katangian Ng Isang Estranghero – Halimbawa At Kahulugan

Bukod dito, ang isang estrangero ay maihahalintulad din sa kilos na kakaiba. Heto ang mga halimbawa ng paggamit ng Estranghero sa mga pangungusap:

  • Si Crisostomo Ibarra ay naging estranghero para sa lahat ng siya’y nagpakilala bilang si Simoun.
  • May dumating na estranghero sa barangay namin upang mangalap ng tanong.
  • Napaibig kaagad sa unang kita pa lamng ang puso ni Eva sa estrangherong matangkad.

Ating tandaan na ang isang estranghero ay taong misteryoso at hindi kilala ng mga tao sa isang komunidad o taong hindi mo kilala. Kadalasan, ang mga estranghero ay nilalayuan dahil hindi sigurado ang mga tao sa kanyang mga layunin.

Sa mga nobela, maraming mga karakter ang estranghero at hindi pa ipinapakita sa unahang bahagi ng kwento. Kadalasan, sila ay nagbibigay ng “plot twist”.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN DIN: Kahulugan Ng Mapitagan At Halimbawa Ng Paggamit Nito

Leave a Comment