Sagot Sa Tanong Na “Ano Ang Kahulugan Ng Salitang Mapitagan”?
MAPITAGAN – Sa paksang ito, ating tatatalakayin kung ano nga ba ang kahulugan ng salitang mapitagan at ang gamit nito sa mga pangungusap.
Maraming mga salitang Tagalog na malalim at hindi kadalasang nagagamit sa pang araw-araw. Ngunit, ang mga salitang ito ay parte pa rin ng kasaysayan at kultura ng mga Pilipino kaya dapata natin itong bigyang pansin at bigyang halaga.
Ang kahulugan ng salitang mapitagan ay mahinahon, magalang, maingat, mahinhin, mapagkilos-mahal o mapagbigay-loob. Heto ang mga halimbawa ng paggamit ng salitang mapitagan sa mga pangungusap:
- Gayunman, maaari nating gawing mapitagan ang ating pakikitungo sa lahat ng tao nang may dignidad at makataong kabaitan.
- Mapitagan din sila at magalang lalo na sa mga mas nakakatanda sa kanila.
- Si Peter ay mapitagan kaya siya gumalaw at kumilos ng walang hinahanap na kapalit.
- Ang kagaya niyang mapitagan ay talaga ngang kaayaaya.
Kadalasan nating ginagamit ang salitang ito upang ilarawan ang isang taong mahinhin at magalang. Kaya naman, maririnig natin itong inilalarawan sa mga kababaihan, lalo na sa mga sinaunang panahaon.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Paano Nakatulong Ang Sinaunang Kabihasnan – Halimbawa At Iba Pa