Bakit Mahalaga Ang Pagkilala Sa Awiting Bayan? (Sagot)
AWITING BAYAN – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung bakit nga ba mahalaga ang pagkilala sa ating awiting bayan.
Bilang isang malayang bansa, isa sa mga pribilehiyo na ating na kuha ay ang karapatang ipagmalaki ang ating awiting bayan. Ito’y dahil ang mga awiting bayan ay naging parte ng ating kasaysayan at kultura.
Dahil dito, ating masasabi na ang awiting bayan ay isa rin sa mga bagay na nagpapakita ng ating kasarinlan sa iba pang mga kultura. Higit pa dito, dahil ang Pilipinas ay isang arkipelago, malawak ang sakop ng mga awiting bayan at iba-iba ito depende sa kultura ng rehiyon.
Ang pagkilala sa mga awiting ito ay isa sa mga paraan upang ipakita natin ang pagmamahal sa ating bansa. Sa madaling salita, ang mga awiting bayan na ito ay nagpapakita ng ating nasyonalismo sa paraan ng pagbigay bugay sa nakaraan.
Bukod dito, masasabi rin natin na ang mga awiting bayan ay mahalaga dahil ito’y naging parte na ng ating karunungang bayan. Ito ay mga bagay, likha, tradisyon, sining, at iba pa na naipasa sa ating ng ating mga ninuno.
Sa pamamagitan nito, ating maisasalarawan ang mga pangyayari sa sinaunang mga panahon sa tulong ng mga awiting bayan.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Kahulugan Ng Akademiko – Ano Ang Ibig Sabihin Ng Akademiko?