Ano Ang Epekto Ng Kakapusan? (Sagot)
EPEKTO NG KAKAPUSAN – Sa ating mundo, ang ating mga mapagkukunan o “resources” sa Ingles ay limitado lamang. Ito’y nagdudulot ng scarcity sa mga produktong ating nabibili.
Ito ay isang halimbawa ng kakapusan. Malaki ang epekto nito sa mga tao at sa ating kapaligiran dahil kapag nauubos na ang ating mapagkukunan, sakuna ang dulot nito.
Subalit, kapag sinabi nating kakapusan, malawak ito na paksa. Pero, kadalasan ang kakapusan ay ating na-aangat sa kontekstong ng ating mga pangangailangan. Isang halimbawa nito ay ang kakapusan ng suplay ng pagkain.
Ang maaring epekto nito ay tag-gutom sapagkat hindi sapat ang suplay para matugunan o matustusan ang pang araw-araw na pangangailangan ng mga miyembro ng isang lipunan. Maari ding mawawalang ng buhay dahil sa kakapusan at marami din ang magkakaroon ng malubhang sakit.
Atin lamang tandaan na ang mga natural natin na yaman ay siyang pinagkukunan natin ng ating mga kagamitan. Ang labis na demanda ng mga ito ay nagdudulot ng kakapusan sa ating mga likas na yaman.
Dahil dito, masama ang magiging epekto sa inang kalikasan. Ang illegal logging na nagdudulot ng kakapusan sa mga puno ay maaaring mag dulot ng matinding baha dahil wala nang kumukuha ng tubig ulan.
Ang labis na pagkuha ng isda gamit ang mga illegal na paraan ay nagdudulot din ng pagkasira ng mga koral na siyang nagiging bahay ng mga isda at ilan pang mga organismo.
Lahat ng bagay sa mundo ay konektado sa isang paraan. Walang libre sa mundo at lahat ay may pinanggalingan. Kapag hindi tayo masusi sa paghahanap ng paraan upang mabawasan ang likas nating yaman, ang epekto nito ay labis na trahedya para sa mga tao.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Uri Ng Teksto Halimbawa At Kahulugan Ng Mga Ito