Paglalakbay Sa Daigdig Ng Paggawa | Sabayang Pagbigkas
PAGLALAKBAY SA DAIGDIG NG PAGGAWA – In this topic, we are going to know about one of the poems titled “Paglalakbay Sa Daigdig Ng Paggawa”.
A Sabayang Pagbigkas (roughly translates to Simultaneous Pronounciation in English) is a type of poem which, according to Jose Abad, is a congenial method of valuing the literature by means of having the choir speak in unison according to tone, strength or power. It is known in the English language as ‘Verse Choir’.
The poem we are going to read is one of the scripts that is used by performers in Verse Choir contests.
We are now going to read the poem made by Patrocinio V. Villafuerte.
Full Text
Here is the full text of the poem, according to this website:
Isang batang paslit
ang minsa’y inakit ng isang pangarap,
Tulog niyang diwa
ay hinagod mandin ng maamong palad;
Katawang lupaypay
ay kagyat naglakbay sa bubungang pilak,
At kanyang tinahak
ang landas ng isang paraisong pugad.
“Lakad, sige, lakad!”
ang utos ng tinig mula sa kawalan,
“Iyong gunitain
ang sinamba-sambang dustang katamaran!
Hamak na sarili’y
dapat mong banyusan sa batis ng buhay,
Di dapat matakot
kung ang ililibing ay sariling bangkay.”
“Ang sariling bangkay?”
ang tanong ng batang tila nagigitla,
Sa maamong mukha’y
masasalamin mong siya’y putlang-putla;
Iyong makakamit
ang kaparusahang ikaw ang may takda,
Ikaw ay magsisi
nang di na makamit itong tanikala.”
Isang kisap-mata,
biglang nagliwanag ang buong paligid,
Tinig na malaki,
saglit na naparam, naglaho’t napatid!
At isang Basilio
ang sa batang paslit ay biglang lumapit,
“Isasama kita
sa paglalakbay ko nang ikaw’y maakit.
“Hayun ang Maynila,
ang lungsod na dati’y pook na masama;
Tingnan mo’t balana’y
ang pinagyayama’y masaganang lupa.”
READ ALSO: Binukot By Joel Bautista Labos | Sabayang Pagbigkas