Sagot Sa Tanong Na “Paano Maging Makabayang Pilipino”?
MAGING MAKABAYANG PILIPINO – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung paano nga ba natin maipapakita ang pagiging makabayang Pilipino.
Ang pagiging makabayan ay ating magagawa sa maraming paraan. Pero ang lahat ng mga gawaing ito ay naka-angat lahat sa pagpapakita ng nasyonalismo at pagmamahal sa Pilipinas.
Ating maipapakita ang pagiging makabayan sa paraan ng pagmahal sa ating Kultura. Masakit man isipin, pero minsan, nakakalimutan na ng mga mismong Pilipino ang kanilang tradisyon at kultura. Samantala, mayroon ding mga dayuhan na silang kinupkop ang tradisyon at kultura natin.
Dahil dito, ating masasabi na hindi mo kailangang maging Pilipino upang maipakita ang pagmamahal sa bayan o ang pagiging makabayan.
Isa sa mga madali nating gawin upang maipakita ang pagiging makabayan ay ang pagtangkilik sa sariling atin. Ito’y magagawa sa pagbili ng mga lokal na produkto at pagsuporta sa mga maliliit na industriyang Pilipino.
Pangalawa, ang pagtulong at ang pagbigya serbisyo para sa ibang mamayan ay isa rin sa pinaka-mahalagang gawain ng bawat Pilipino. Bilang isang estudyante, ating magagawa ito sa pamamagitan ng pagsali sa mga organisasyong naglalayon na pagbutihin ang ating komunidad.
Ang halimbawa nito ay ang pagsali sa mga grupong pangkalikasan na nagpapakita ng adbokasiya para sa likas na yaman ng bansa. Isa rin sa ating puwedeng gawin ay ang pagsali sa mga social work katulad ng pagtulong sa mga batang mahihirap.
Pero, ang isa sa mga bagay na dapat nating bigyang pansin ay ang pagiging kritikal sa mga isyung panlipunan na nangyayari sa ating mga komunidad. Sa paraang ito, ating matutulungan ang pag solba ng mga isyu sa paraan ng mahinahong talakayan, at mabibigyan ng responsibilidad ang mga taong dapat nakatuon dito.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Relasyon Ng Wika At Kultura Kahulugan At Halimbawa