Ano Ang Kahulugan At Mga Halimbawa Ng Talahanayan?
TALAHANAYAN – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang kahulugan ng isang talahanayan at ang mga halimbawa nito.
Ang isang talahanayan ay tinatawag na “table” sa Ingles. Ito ay ginagamit upang maglagay ng datos o impormasyon tungkol sa isang bagay o paksa sa isang sistematiko at malinis na paraan.
Mayroong mga hilera at haligi ang mga talahanayan na nagsisilbi bilang mga paksa o pokus ng mga bagay na nakapaloob dito. Heto ang mga halimbawa:
Sa imaheng nasa taas, ating makikita ang talahanayan patungkol sa Ani Ng Pamilya Reyes sa dalawang hectares na palayan sa loob ng limang taon. Nakalagay sa talahanayang ito ang mga taon kung kailan nag ani ang pamilya reyes at ang ani nito.
Samantala, sa ibaba naman, ating makikita ang “label” o ang kahulugan ng imaheng nasa loob ng talahanayan.
Heto naman ang halimbawa ng mas pormal na talahanayan:
Ating makikita sa itaas ang paksa ng talahanayan – Ang mga Nahalal Na Opisyal ayon sa kasarian. Dito, ating makikita taon ng eleksyon, ang mga kasarian, ang kabuuan ng mga nahalal na babae at lalake, at ang bahagdan ng babae. Ipinakita rin dito kung galing saan ang datos na kinuha.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Kultura Ng Pilipino Noon At Ngayon Halimbawa At Paliwanag Nito