Sagot Sa Tanong Na “Ano Ang Kahulugan At Halimbawa Ng Balitang Kutsero?”
BALITANG KUTSERO – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang isang balitang kutsero, ang kahulugan nito, at mga halimbawa.
Ang balitang kutsero ay isang halimbawa ng idyoma. Ito’y naglalarawan sa pagsasabi ng balita na walang impormasyon o matibay na ebidensiya tungkol dito. Maaaring walang katotohan din ito o gawa-gawa lamang.

Sa madaling salita, ito’y mahahalintulad sa “fake news”. Ito rin ay matatawag na tsismis o impormasyon o kwentong nagpasalin salin ngunit walang nakaalam kung saan nga ba ito nakuha o nagsimula.
Ang salitang kutsero naman ay galing sa Katsilang “Cochero” o taga dala ng kalesa o “carriage driver” sa Ingles. Samantala, ang balitang kutsero naman ay matatawag na “coachman stories” o “hearsay sa Ingles.
Ito rin ay maihahalintulad sa kwentong barbero o “barbershop talk”. Ang balitang kutsero naman ay nabigyan ng kahulugang ito dahil kadalasan ang mga kutsero ay nagsasalin salin ng mga kuwento na galing rin sa ibang kutsero o minsan galing sa mga pasahero nila.
Dahil dito, kumakalat lamang na kumakalat ang impormasyong ito at na-iiba sa taga taong naka rinig nito. Ito’y nag dudulot ng isang malaking pinagkukunan ng maling impormasyon.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Kaibahan Ng Sintesis At Buod Halimbawa At Iba Pa