Ano Nga Ba Ang Kahulugan Ng Lagom? (Sagot)
LAGOM – Sa paksang ito, ating tatalakayin ang kahulugan ng salitang “lagom” at ang iba’t-ibang mga gamit nito sa mga pangungusap.
Ang lagom ay matatawag natin na “summary” sa Ingles. Ito ay maihahalintulad sa mga buod. Ito ay ang pinaiksing bersyon ng orihinal na kuwento ngunit hindi tinatanggal ang mga mahahalagang pangyayari.

Ngunit, ang isang lagom ay hindi lamang isang pinaiksing kwento. Ang mga lagom ay mga malikhaing pagsasalarawan ng mga pangyayari sa isang konkretong paraan na kung saan ginagamit lamang ang mga importanteng kaganapan.
Ang lagom ay naglalaman lamang ng pinaka-mensahe ng kwento o ng akda kung kaya ang pinaka-ideya o pinakadiwa lamang ang nasa loob ng isang lagom. Kapag gumagawa ng isang lagom, dapat hindi ito nahahaluan ng sariling opinyon ng gumagawa nito.
Sa madaling salita, ang lagom ay ang kabuuan ng iyong nabasa o narinig mula sa isang orihinal na akda. Maaari rin gamitin ang lagom sa pananaliksik.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN NATIN: Antas Ng Wika At Kahalagahan Nito – Bakit Mahalaga Ang Antas Ng Wika