Tradisyunal Na Tula Ng Pilipinas Halimbawa At Kahulugan

Heto Ang Mga Halimbawa Ng Tradisyunal Na Tula Ng Pilipinas

TULA – Sa paksang ito, ating tatalakayin ang mga halimbawa ng tradisyunal na tula na ating makikita sa Pilipinas.

Ang mga tulang tradisyunal ay mga pahayag na sumasalamin sa mga karanasan at mga pangyayari na naganap sa mga sinaunang panahon. Ito ay nagtataglay ng sukat at tugma sa bawat taludtod nito.

Tradisyunal Na Tula Ng Pilipinas Halimbawa At Kahulugan

Bukod dito, ang mga salita at ginagamit na instrumento ng paggawa ng mga pahayag na pili, matayutay, at masining bukod sa pagiging madamdamin. Heto ang mga halimbawa:

1. Salawikain

Ang salawikain ay mga kasabihan o kawikaan na nagbibigay ng magagandang aral at gabay sa pamumuhay, sa asal, at sa pakikipagkapwa. Kadalasan, ito ay ginagawa sa patulang pamamaraan para madali itong ma alala.

2. Oyayi

Ang oyayi ay isang uri ng tula o awit na para sa mga bata. Ito’y ginagamit ito ng kanilang mga magulang upang libangin sila at bigyan ng aral. Pero, kadalasan, itong ginagamit upang magpatulog ng kanilang mga sanggol.

3. Ambahan

Ang ambahan ay isang sinaunang tula ng mga katutuba natin na nililikha ng mga Mangyan. Ito ay may sukat na pitong pantig sa bawat taludtod maliban sa unang taludtod na maaaring higit o kulang sa pitong pantig.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN DIN: Talata Na Naglilipat Kahulugan At Mga Halimbawa Nito

Leave a Comment