Share to Facebook Share to Twitter More...

Ano Nga Ba Ang Kahalagahan Ng Turismo At Mga Halimbawa Nito? (Sagot)

KAHALAGAHAN NG TURISMO – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang kahalagahan ng turismo at ang mga halimbawa nito.

Ang turismo ay maraming positibong epekto para sa isang bansa, lalo na sa Pilipinas. Bilang isang arkipelago, ang Pilipinas ay mayaman sa mga kagandahang natural. Bukod dito, ang Pilipinas ay likas din sa kultural at tradisyunal na aspeto ng pamumuhay.

Kahalagahan Ng Turismo Halimbawa At Kahulugan

Dahil dito, maraming turista ang pumupunta sa ating bansa. Ang pagpasok ng turismo ay isa sa mga dahilan kung bakit lumaganap ang ating ekonomiya. Kapag nangyari ito, maraming tao o ang nabibigyan ng trabaho at nagkakaroon ng kultural na pakikihalubili sa mga dayuhan.

Bukod sa pagbibigay ng oportunidad sa mga dayuhan na makilala ng lubusan ang ating bansa, ang mga lokal na residente ay nakikinabang din ng malaki. Ang mga bagong negosyante o mga young entrepreneurs ay nagkakaroon ng oportunidad na maka gawa ng bagong produkto o serbisyo.

Dahil rin sa paglaganap ng turismo at pag taas ng ekonomiya, nagkakaroon ng maraming magandang pagbabago para sa ilang lugar sa bansa. Gumagawa ng bagong mga establishimento katulad ng bagong airport, resort, at iba pa.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN DIN: Slogan Tungkol Sa kagandahan Ng Pilipinas Halimbawa

Share to Facebook Share to Twitter More...

comment(s) for this post "Kahalagahan Ng Turismo Halimbawa At Kahulugan". Tell us what you think abut this post by leaving your comments below.

{ 0 comments… add one }

Leave a Comment