Ang Aking Bandila Poem | Sabayang Pagbigkas

Ang Aking Bandila Poem | Sabayang Pagbigkas

ANG AKING BANDILA POEM – In this topic, we are going to know about one of the Sabayang Pagbigkas poems titled “Ang Aking Bandila”.

ANG AKING BANDILA POEM

Sabayang Pagbigkas (roughly translates to Simultaneous Pronounciation in English) is a type of poem which, according to Jose Abad, is a congenial method of valuing the literature by means of having the choir speak in unison according to tone, strength or power. It is known in the English language as ‘Verse Choir’.

The poem we are going to read is one of the scripts that is used by performers in Verse Choir contests.

Ang Aking Bandila is written by Cirio H. Panganiban.

Full Text

Here is the full text of the poem, according to this website:

Palibhasa’y Mutyang anak ng Liwanag,
Ang Ina kong Lupa’y tampulan ng dagat.
Sa Dulong Silanga’y pulo ng pangarap,

Binasag ng alon kaya sumambulat.
Subalit gayon man, sa Kapuluan ko’y Diyos ang may hawak,
Buo ang damdamin, iisa ang diwa’t isa ang Watawat.

Ang aking Bandila ay may tatlong kulay;
May kulay ng dugo, pagkat katapangan;
May kulay ng langit, pagkat kabanalan;
May kulay ng bulak, pagkat kalinisan.

Subalit ang lalong maningning na hiyas na kanyang dampulay
Ay magkakapatid na tatlong Bituin at ang isang Araw.

Ang bandilang ito’y nilamay sa dusa.
Napigta sa luha ng maraming ina.
Saka nang mayari, kamay ni Ibarra
Ang sa himagsikan ay siyang nagdala.

Sinundan ni Elyas, at ang buong baya’y nuha ng sandata
At sila’y nagbangon ng unang paglaya at pagkakaisa.

Mahinang sandata’t marupok na bisig
Dahil sa Bandila’y nakapananaig.
Ang isang bayani, o isang panitik,
Dahil sa Bandila’y may tula, o bagwis;

Makata’t bayani’y aawit ng Laya, hahanap ng langit.
Kung Langit ay wala, Tabak na ang lunas sa dusa’t hinagpis!

Nang minsang ibawal ang aking Bandila
Siya’y hinagkan kong nanatak ang luha,
Wika ko sa akin: Ang naglahong tala,
Lalo pang maningning pagsilay ng lupa

Ngayong siya’y muling iladlad sa tagdan at maging malaya,
Sandata’t pag-ibig ang kanyang tanggulang hindi masisira.

Sa bayan at nayon, sa bundok at parang,
Sa himpapawirin at sa karagatan,
Ang aking Bandila ay iwawagayway.
Sa tuwing umaga’y hahagkan ng Araw,

At sa aking kuta siya ay hindi na muling maaagaw,
Pagkat magtatanggol pati na ang aking tatanod na bangkay!

READ ALSO: Ako’y Isang Pilipino | About The ‘Sabayang Pagbigkas’ Poem

Leave a Comment