Ano Ang Buod Ng Alamat Ng Pakwan? (Sagot)
ALAMAT NG PAKWAN – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang buod ng kwentong “Alamat Ng Pakwan” at ang mga gintong aral na ating makukuha.
Si Jun ay isang kaawa-awang bata na uli sa ama at ina. Siya ay nakatira lamang sa kanyang tiyo at tiya. Subalit, mga pilyo, tamad, at masasama ang mga ugali ng kanilang mga anak. Kaya naman, sila’y naging malupit kay Juan.

Palagi na lamang sinisigawan, pinapalo, at pinagtatawanan ang kawawang si Juan kapag siya’y gumawa ng kamalian. “Pak-Juan” ang tawag nila sa pinsan na ang ibig sabihin ay pangit si Juan.
Si Juan ay mayroong malaking ulo, at maitim ang kanyang ngipin at ang labi nito’y napaka-kapal. Pero, siya ay mabait, masipag, at lubos matulungin. Nagtatrabaho siya sa bahay sa buong maghapon. Naglilinis, nagluluto, nag-aalaga ng bata, at nagliligpit ng kinainan.
Pero, isang araw, hirap na hirap na at napuno si Juan sa pang-aasar sa kanya. Siya’y tumawag at nanalangin sa Poon: “Kung maari kunin mo na po ako! Hirap na hirap na po ako!”.
Pagkatapos nito, biglang dumilim ang langit at nagkaroon ng napakalakas na ulan. Kumidlat at kumulog. Kinabukasan, di na nakita ng mag-anak si Juan.
Pagkatapos ng trahedya, hindi na nakita ulit si Juan. Ngunit, ang nakita na lamang ng pamilya ay isang halamang may bungang simbilog ng ulo nito. Nagsisi ang mga anak. “Juan, sana’y mapatawad mo kami”.
Simula noon, Pakwan na ang tawag ng mga tao sa halamang iyon.
ARAL NG KWENTO:
- Iwasan ang pagiging mapanghusga sa kapwa, lalo na sa pamilya mo.
- Maging mabait sa lahat ng tao lalo na sa mga tao katulad ni Juan na nawalan ng pamilya at napakabait.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Bata Bata Paano Ka Ginawa Buod At Iba Pang Kaalaman