Ano Ang Tao Laban Sa Kalikasan? (Sagot)
TUNGGALIAN – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung gano nga ba ang Tunggalian na “Tao Laban Sa Kalikasan“, ang kahulugan nito, at mga halimbawa.
Kapag tinatalakay ang salitang tunggalian, tinutukoy nito ang isang emelento ng kwento. Ito’y naglalarawan sa mga isyu at problema na hinaharap ng mga pangunahing tauhan. Isa sa mga halimbawa nito ay ang “Tao Laban Sa Kalikasan“.
Dito, ang ating pangunahing tauhan o ang sentrong karakter ng kwento ay naapektuhan ng mga pwersa ng kalikasan. Sa paglalakbay at sa buhay ng isang pangunahing tauhan sa kwento, marami itong masasalubong na mga paghihirap at problema na dapat harapin.
Kadalasan, ito ay problema sa ibang tao o ang tinatawag na “antagonist” sa Ingles. Pero, may mga pagkakataon din na ang kalaban nito ay ang kalikasan mismo. Isang halimbawa nito ay ang biglaang pag lindol ng malakas, o pagbagyo na naglalagay sa mga tauhan sa panganib.
Sa mundo ng pelikula, makikita natin ito sa “2012” kung saan ang karakter ni Jason Cusack at ang kanyang pamilya at mga kaibigan ay gumagawa ng paraan upang mabuhay sa apokalipsis.
Sa pelikula, sumasabog ang mga bulkan, nilalamon ng dagat ang lupa, nawawasak ang mga daanan dahil sa lindol at iba pang natural na mga kalamidad.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Bakit Dapat Pahalagahan Ang Katutubo? – Sagot At Paliwanag Nito
Ang ganda talaga magbasa nito natutunan ko ang kahalagahan