Sagot Sa Tanong Na “Ano Ang Tema Ng Kwentong Reyna Matapat”
REYNA MATAPAT – Sa kwentong ito, ating tatalakayin kung ano ang tema at mga aral na makukuha sa kwento na “Reyna Matapat”.
Ang kwento ni Reyna Matapat at naka-angat sa kanyang Katapatan. Siya ay kilala bilang si Reyna Sima, ang namumuno sa Kutang-Bato (Cotabato). Sa kwento, ating makikita na umunlad ang kanyang bayan kahit na walang ginagawang panloloko o ano mang uri ng pag-aapak sa ibang tao ang nagaganap.
Minsan nga, nakaiwan ang isang negosyanteng Intsik ng isang piraso ng ginto sa palasyo ng Reyna. Pero, walang sinuman ang nagtangkang kunin ito. Ang dahilan ay para mas madaling makita ng may-ari ang ginto kapag ito ay bumalik na.
Ang buong lungsod na pinamumunuan ni Reyna Matapat ay sumunod sa kanyang katapatan. Dahil dito, natuto ang mga tao na respetuhin ang bawat isa. Ito rin ay isang halimbawa ng posibleng mangyari sa isang bansa na walang korupsiyon.
Ang tema ng kwentong ito ay dapat tayong maging tapat at dapat tayong mag respeto sa ating kapwa. Bukod dito, ipinapakita rin na maaaring umunlad kahit na walang inaapakang iba.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Tungkulin Bilang Kapatid Halimbawa At Paliwanag