Kwento Ni Mabuti Buod At Ang Gintong Aral Na Makukuha

Kwento Ni Mabuti Buod At Aral Na Makukuha Dito

KWENTO NI MABUTI – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano ang buod ng “Kwento Ni Mabuti” at ang mga aral na makikita sa kwento.

Si Mabuti ay isang ordinaryong guro lamang, pero siya ay tinatawag na Mabuti ng kanyang mga estudyante dahil palagi itong bukambibig. Pero, kahit na sa labas ay malakas siya at parang walang problema, malaki pala ang hinaharap nito.

Isang araw, pumunta si Mabuti sa silid arala niya para umiyak dahil sa bigat ng kanyang problema. Siya ay nakita ng kanyang estudyanteng si Fe. Sila ay nag kwentuhan at doon ni Fe na laman ang totoong nangyayari sa guro niyang si Mabuti.

Kwento Ni Mabuti Buod At Ang Gintong Aral Na Makukuha

Pareho lamang na may problema ang dalawa, ngunit, nag kataon lamang na mas mabigat ang napagdadaan ng kanyang guro, Madalas na ikinikwento ni Mabuti ang tungkol sa kaniyang anak na gusto niyang bigyan ng maayos na buhay at nais niya itong matulad sa kanyang ama na isang manggagamot.

Pero, matapos ang ilang araw, nabawian ng buhay ang asawa nito at dito niyang nalaman na hindi pala siya ang unang asawa ng mangagamot. Pero naunawaan naman niya ang sitwasyong ito. Kaya naman, napagisipan niya na lamang na umiyak sa silid aralan.

Sa paglipas ng panahon, hindi pa rin malilumutan ni Fe ang larawan ng kaniyang guro. Kahit na lumipas na ang mga taon, nananatili sa kaniyang puso ang mga payo at aral ng kaniyang gurong si Mabuti, ang itinuturing niyang isang inspirasyon.

Ang aral sa kwentong ito ay lahat ng tao ay may problema, pero, hindi ito nagiging dahilan upang sumuko. Walang problema ang pagkadapa, pero kailangan nating bumangon ulit katulad ni Mabuti.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN DIN: Tekstong Persweysib Halimbawa At Kahulugan Nito

Leave a Comment