Bagay Na Sumisimbolo Sa Kalayaan Halimbawa At Kahulugan

Ano Ang Mga Halimbawa Ng Bagay Na Sumisimbolo Sa Kalayaan? (Sagot)

KALAYAAN – Mahalaga para sa lahat ng tao ang kalayaan, pero ano kaya ang mga bagay na sumisimbolo dito?

Kadalasan makikita nating simbolo ng kalayaan ay ang mga puting kalapati o mga ibon. Ito’y dahil ang mga ibon ay malayang lumilipad saan man nila gusto.

3 Symbols Associated With White Doves - A Sign of Peace White Dove Releases  - Covington | NearSay

Isa rin sa mga simbolo na puwede nating gamitin ay ang pagtataas ng ating watawat. Matapos ng Pilipinas na makuha ang kanilang kalayaan, isa sa pinaka-unang ginawa ng mga Pilipino ay ang pagtaas ng watawat ng Pilipinas bilang simbolo ng pagiging malaya sa Kastila.

Bagay Na Sumisimbolo Sa Kalayaan Halimbawa At Kahulugan

Bukod dito, ang ating wika ay isa ring simbolo ng ating kalayaan. Sa paggamit ng sarili nating wika at hindi ang wika ng iba, tayo’y mayroong kasarinlan, sariling kultura, at tradisyon.

Marami pang halimbawa ng simbolo ng kalayaan. Ngunit, ang kalayaan mismo ay isang malawak na kaisipan. Maaari itong kalayaan ng isang bansa, kalayaan bilang isang indibidwal, kalayaan mula sa pagkabitag at iba pa.

Para sa kalayaan bilang indibidwal, ating magagamit na simbolo ay taong naka empake. Ito ay nagsasabi na mayroon siyang sariling paglalakbay na kailangang gawin. Siya ay malaya na pumili ng daan papunta sa kanyang sariling kinabukasan.

The 10 Most Famous Hiking Trails in the World | Western Union

Kapag ang konteksto naman ay kalayaan galing sa pagkabitag o pagiging alipin, kamay na may sirang posas ang simbolo ng kalayaang ito.

Slaves living in freedom – WELS

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN DIN: Paano Gumawa Ng Talambuhay – Halimbawa At Iba Pa

Leave a Comment