Heto Ang Buod Ng Alamat Ng Baguio At Ang Gintong Aral Na Makukuha Dito
ALAMAT NG BAGUIO – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano ang buod ng kwentong “Alamat Ng Baguio: Ang Mina Ng Ginto” at ang mga aral ng kwentong ito.
Noong unang panahon, ating matatagpuan ang isang lugar sa Baguio na dati’y tinatawag na Suyuk. Sa lugar na ito, naninirahan ang isang Igorot na nangangalang si “Kunto”.
Kahit bata pa lamang si Kunto, siya ay mayroon ng kakaibang lakas at tapang. Dahil dito, siya ang napililing tagapamuno ng Suyuk. Ang mga naninirahan sa Suyuk ay namumuhay ng tahimik at taon-taon ay nagdaraos ng cañao bilang pasasalamat sa mga anito.
Kung magdaos sila ng cañao ay nagaalay sila ng baboy para kay bathala. Isang araw ay nagpunta si Kunto sa kagubatan upang mamana. Hindi pa siya naka punta sa malayong parte ng gubat ay may nakita siyang isang uwak at nakatayo ito mismo sa patutunguhan nya.
Pinuntahan ni Kunto ang ibong ito pero hindi man lang ito gumalaw. Nang malapit na si Kunto ay bigla syang napatigil sapagkat ito ay tumango sa kanya ng tatlong beses.
Bagamat matapang ay nakaramdam din si Kunto ng takot. Hindi na tumuloy si Kunto sa pamamana at isinangguni na lang nito sa mga nakakatanda ang nakita nyang uwak at ang ikinilos nito.
“Marahil ang ibong iyon ay ang ating bathala at ipinapaalala na dapat tayong magdiwang ng cañao”, sabi ng matanda. “Kung ganoon ay magdiwang na tayo ng cañao”, sabi naman ng isa.
Kaya naman inihanda ng mga tao ang hinuli nilang baboy na iaalay kay bathala. Nang inilagay nila ito sa altar sa taas ng bundok, nagulat ang mga taong ng himalang naging tao ito.
“Wag kayong matakot, dahil kayo”y mabubuti ay gagantimpalaan ko kayo basta”t sundin nyo lamang ang aking sasabihin. Kumuha kayo ng isang tasang kanin at ilagay sa aking tabi. Pagkatapos ay takluban ninyo ako ng malaking palayok. Ipagpatuloy nyo ang cañao at pagkalipas ng tatlong araw ay bumalik kayo dito“, sabi ng isang misteryosong matanda.
Saad pa ng matanda ay makakakita ang mga taga nayon ng isang puno na di pa nila nakikita. Ang bunga, dahon at sanga daw nito ay maari nilang kuhanin ngunit wag lamang gagalawin ang katawan.
Pagkalipas ng tatlong araw ay bumalik ang mga taga nayon. Totoo ang sinabi ng matanda sapagkat naroon ang maliit na puno sa ilalim ng palayok na itinaklob ng mga taga nayon.
Pumitas si Kunto ng isang gintong dahon at maya maya lamang ay napalitan agad ito ng panibagong dahon. Natuwa ang lahat at isa isa silang kumuha.
Yumaman ang mga taga Suyuk, pero habang tumagal ang panahon tumaas ng tumaas ang puno at hindi na nila ito maabot. Kaya naman, pinag-isipan nilang tumbahin ito. Dahil sa kanilang ginawa, nagalit ang isang misteryosong boses.
Kayo ay nabigyan ng gantimpala ng kabutihan ngunit sa halip na mag ibigan ay inggit at pag-iimbot ang naghari sa inyong mga puso
At pagkatapos marinig ang tinig ay nilamon ng lupa ang mga taga nayon.
Mula nga noon, nagkaroon na ng minang ginto sa Baguio. Makakakuha ka lamang nito sa paghukay ng lupa.
BASAHIN DIN: Bakit Binansagang Pilosopo Si Tasyo – Sagot At Paliwanag