Ano Ang Mga Hakbang Sa Kung Paano Gumawa Ng Isang Talumpati? (Sagot)
TALUMPATI – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung paano nga ba gumawa ng isang talumpati at ang mga hakbang nito.
Ang mga talumpati ay isa sa mga instrumento ng pagpapahayag na naglalayong makaka-akit sa mga tagakinig. Simula pa sa mga sinaunang panahon, ang mga talumpati ay naging kritikal sa pag tayo at pagkasira ng mga malalakas na emperyo.
Kaya naman, dapat nating bigyang halaga kung paano gumawa nito. Heto ang mga hakbang sa paggawa ng isang talumpati:
Ang sektreto ng isang magandang talumpati ay nagsisimula sa tagasalita nito. Dapat muna nitong alamin kung ano ang gusto niyang sabihin sa mundo, at alam niya rin ang kwentong gusto niyang isalaysay.
Ating tandaan na ang sa paggawa ng isang talumpati ay nagsisimula sa tanong na: “Anong kuwento ang gusto nating ipahayag sa madla?”. Kaya naman, dapat nating intindihin kung paano natin gagawin ang ating “Panimula“.
Dapat ka akit-akit ang ating panimula, pero hindi natin ito magagawa kung ito’y hindi naka-angat sa ating paksang gustong pagbigyan pansin. Kasunod nito ay ang pagsulat ng katawan ng nilalaman. Sa luob nito, dito natin ilalagay ang mga pangunahing ideya na gusto nating ipahiwatig.
Pagkatapos ng paglagay ng mga ideyang ito, ating ilagay ang tinatwag na “Call For Action”. Ito ay sumasagot sa tanong na “Ano ang gusto mong gawin ng madla matapos ang iyong talumpati?”.
At sa panghuli, kailangan natin isulat ang pagtatapos ng talumpati. Isa sa pinakamabisa at malakas na talumpati ay mayroong pagtatapos naka-angat sa ating panimula.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Hakbang Sa Sistematikong Pananaliksik – Kahulugan At Halimbawa