Kabihasnang Mesapotamia Kahulugan At Iba Pang Kaalaman

Ano Ang Kahulugan Ng Kabihasnang Mesapotamia? (Sagot)

KABIHASNANG MESAPOTAMIA – Sa paksang ito, ating aalamin kung ano nga ba ang kahulugan ng kabihasnang Mesapotamia at ang mga pangyayaring naganap dito.

Sa kanlurang Asya, mayroong anim na Kabihasnang Mesapotamia na naganap. Heto ang sumusunod:

Kabihasnang Mesapotamia Kahulugan At Iba Pang Kaalaman
  • SUMER
    • Unang Kabihasnan na nabuo sa Mesapotamia
  • AKKADIAN
    • Nagsimula lamang bilang isang maliit na lungsod-estado na malapit sa mga Sumerian.
    • Dahil sa kanilang talento sa pakikidigma, nakuha nila ang Sumer.
  • BABYLONIAN
    • Nabuo ng Babylonian ang kanilang kabihasnan mula sa mga labi na naiwan ng mga Akkadian.
  • ASSYRIAN
    • Sila ang mga kilalang imperyo na gumapi sa mga Hittite at Babylonian.
  • CHALDEAN
    • Humalili sa mga Assyrian matapos nilang magrebelde sa pamumuno ni Nabopolassar.
    • Naipatayo ang tanyag na “hanging gardens of Babylon”.
  • PERSIAN
    • Kasalukuyang matatagpuan sa Iran.
    • Tinatawag din na Imperyong Achaemenid ay nagmula sa pangalan ni Achaemenes.

Ang pag-usbong ng kabihasnang ito ay dahil sa pag-unlad na naganap sa Neolitikong Panahon. Dahil dito, nabago at umunlad na rin ang pamumuhay ng mga tao.

Ang dating mga nomad ay nagkaroon na rin ng permanenteng tirahan at dahan-dahang nabuo ang konsepto ng isang komunidad at lipunan. Bukod dito, nagsimula na ring lumaganap ang pamamahala, sistema ng pagdokumento sa mga kaganapan at bagong teknolohiya.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN DIN: Ano Ang Kabihasnan? Kahulugan At Halimbawa Nito

Leave a Comment