Ano Ang Binisiklan? (Sagot)
BINISIKLAN – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang ang kahulugan ng binisiklan, isang tradisyunal na sayaw ng Pilipinas.
Ang Binisiklan ay isang tradisyunal na sayaw ng Pilipinas o “folk dance”. Ito’y sinasayaw gamit ang mga bislak, o malalaking patpat. Bukod dito, ang Binislakan ay nagsimula sa mga Pilipino kasama ang mga imigranteng Tsino.
Karagdagan, ang sayaw na ito ay ginamit din bilang selebrasyon sa Tsinong piratang si Limahong na gumawa ng kaharian ng Lingayen. Sa Ingles, ang Binislakan ay “The use of Sticks”. Ito’y sumasalamin sa paggamit ng chopstick na ginagamit ng mga tsino para kumain.
Para sa mga lalaki, ang kanilang kasuotan sa sayaw na ito ay mga Camisa de Chino at pulang pantalon. Samantala, ang mga babae naman ay naka suot ng Siesgo at Kimono na may long sleeves.
Habang sumasayaw, ang mga magsasayaw ay tumitingin sa likod o sa itaas, kaya naman, tinawag itong “Lingayen”. Ang ritmo naman ng sayaw ay sumusunod sa ritmo ng tunog ng mga chopstick na ginagamit ng mga tsino habang kumakain.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Kabihasnang Mesapotamia Kahulugan At Iba Pang Kaalaman