Heto Ang Mga Halimbawa Ng Suliraning Pangkapaligiran
SULIRANING PANGKAPALIGIRAN – Sa paksang ito, ating aalamin kung ano ang mga halimbawa ng suliraning pangkapaligiran at halimbawa nito.
Ang mga suliraning pangkapaligiran ay isa sa mga pinaka mahalagang isyu na dapat nating bigyang pansin. Ito ay dahil ang mga masasamang epekto ng suliraning ito ay direktang pupumunta sa atin.
Bukod dito, hindi man natin mararanasan ang mga epektong ito, ngunit, ang mga susunod na henerasyon ang siyang magtitiis at labis na maaapektuhan. Heto ang mga halimbawa:
Climate Change At Global Warming – Ito ay naglalarwan sa pagkakaroon ng pagkakaiba sa ating klima sa kanyang tipikal na kalagayan. Kahit ang konting pag taas o pagbaba ng temperatura ng mundo ay maraming masasamang epekto sa atin. Isang halimbawa nito ay ang pag-init ng tubig dagat. Dahil dito, mas maraming bagyo ang maaaring mabuo.
Polusyon – Ang polusyon ay laganap na isyung pangkapaligiran. Ito ay may kinalaman sa solid waste at solid waste management. Dahil sa laganap na basura, polusyon sa tubig, at hangin dulot ng malalaking pabrika, sasakyan, at mga tao.
Deforestation – Sa Pilipinas, likas sa biodiversity ang ating mga kapuluan. Subalit, dahil sa deforestation, maraming mga hayop ang namamatay at hindi na nakikita dahil nawawalan na sila ng tahanan.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Kahulugan Ng Pilibustero – Noli Me Tangere (Erehe At Pilibustero)