Heto Ang Mga Halimbawa Ng Solicitation Letter Sa Tagalog
SOLICITATION LETTER – Sa paksang ito, ating pag-aaralan ang mga halimbawa ng solicitation letter sa Tagalog.
Ang isang solicitation letter ay ginagamit upang maka likom ng pera para sa isang grupo o organisasyon na makakatulong sa isang pinaplanong kaganapan o suporta sa organisasyon. Heto ang isang halimbawa para sa basketball:
Nov 11, 2020
Mga residente ng barangay 143
Lungsod Ng Manila
Mahal naming mga Ka-barangay,
Magandang araw po sa inyo! Dahil nalalapit na po ang taunang liga na sa palaruan ng ating munisipyo, kayo’y iniimbitahan naming manood upang magpakita ng suporta sa aming grupo bilang mga kalahok na nagrerepresinta sa barangay 143. Kaugnay po nito, nanais din po sana namin humingi ng kaunting tulong pinansyal upang makadagdag sa badget na gagamitin po naming mga manlalaro. Ang pinansyal na aming malilikom ay aming gagamitin para ipagpagawa ng uniporme, pamasahe papunta sa lugar na pagdarausan ng patimpalak. Ang sosobra naman po ay gagamitin upang pangkain ng mga manlalaro. Sinisuguro po namin na gagamitin ang mga salaping malilingap sa purong kabutihan na kaugnay lamang sa gaganapin liga.
Lubos po kaming nagpapahatid ng pasasalamat.
Lubos na gumagalang,
Barangay 143 Basketball Team
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Kahulugan Ng Napalago At Iba Pang Kaalaman Tungkol Sa Salita