Halimbawa Ng Haiku Tungkol Sa Kalikasan
HAIKU SA KALIKASAN – Sa paksang ito, ating tatalakayin ang mga halimbawa ng Haiku tungkol sa ating kalikasan.
Ang Haiku ay isang uri ng panunulat na nagmula sa bansang Japan. Ito ay pwedeng i hambing sa “tanaga” o maikling tulang Pilipino. Ngunit, iba yung pamamaraan ng pagsulat nito.
![Haiku Tungkol Sa Kalikasan: 5+ Halimbawa Ng Mga Haiku](https://philnews.ph/wp-content/uploads/2020/11/image-190.png)
Ang mga haiku ay mga maikling tula na sumusunod sa 5/7/5 na pantig. Heto ang mga halimbawa ng haiku patungkol sa inang kalikasan:
Ang Kalikasan
Dapat nating ingatan
Ating tahanan
Tayo’y maglinis
Para sa kaligtasan
Ng Kalikasan
Isang tahanan
Wala na tayong iba
Dapat tandaan
Ginhawang Asul
Mataimtim na bukas
Ito’y gusto ko
Puno’y itanim
At ating maiwasan
Labis na baha
Dagat na asul
At hindi yung maitim
Para sa bayan
Hanging malinis
Ang gusto kong malanghap
Bakit wala na
Isipin natin
Ang ating ginagawa
Sa kalikasan
Ang haiku ay nagsimula sa mga Hapon. Ito’y galing sa salitang Hokku at maraming bersiyon ito baku napunta sa Haiku. Kadalasan, ang mga ito ay sumasalamin sa mga totoong pangyayari o emosyong nararamdaman ng taga sulat.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN RIN: Haiku Tagalog: Halimbawa Ng Mga Haiku Sa Tagalog