Heto Ang Mga Halimbawa Ng Talata Tungkol Sa Sarili
TALATA TUNGKOL SA SARILI – Sa paksang ito, ating tatalakayin ang mga halimbawa ng talata tunkol sa ating mga sarili.
Ang pagsusulat ng talata tungkol sa sarili ay dapat galing sa inyong sariling pag-iisip. Ito ay dahil lahat tayo ay may indibidwal na mga katangian. Bukod dito, tayo lamang ang makaka-alam ng tunay nating pagkatao.
Ngunit, hindi naman masama na makakuha ng konting inspirasyon galing sa mga talata ng ibang tao tungkol sa kanila. Heto ang mga halimbawa ng talata tungkol sa sarili:
Ang aking Sarili (Komposisyong Deskriptib) – JUDY ANN T. ARAÑO
Ako ay isang simpleng tao. Oo, ganun ang turing ko sa sarili ko. Dalawampung taong gulang na ako ngayon. Ito ang aking ipinagmamalaking edad habang sinusulat ko ang akdang ito. Kung sa mukha’t mukha lang ang pagbabasehan ng aking katauhan ay palagay ko hindi naman ako pahuhuli. Ang ibig kong sabihin ay hindi naman ako panget. Sa madaling salita ay katamtamang itsura. Medyo payat din ako, nasa 5’0 ang taas at mapusyaw ang aking balat. Itim ang buhok ko, may brown at singkit na mga mata. Isa ko pang katangian ay ang maganda kong mga ngipin. Alagang-alaga ko ba naman. Bukod dito ‘yung labi ko naman ay tama lang at mamula mula. Hindi siya makapal at hindi rin namang gaanong kanipis. Sa pangkalahatan, ang lahat naman ay naaayon sa hubog ng aking mukha at katawan. ‘Yun nga lang, hindi lahat ay perpekto, hindi lahat ay kanais-nais at hindi lahat ay magaan na dalhin sa katawan. Kung anu ‘yon, tiyak na maisusulat ko sa pagdaan ng mga panahon.
Kung ugali naman ang pag-uusapan, marami ako nyan. Sabi ng iba mabait daw ako. Oo, tama naman sila. Mabait ako sa taong mabait sa akin. Kung mabait ang isang tao sa’yo dapat ganun ding kabaitan ang ipakita mo sa kanya.
Madami din akong kaibigan dahil ng pala-kaibigan ako. Matulungin ako sa aking mga kapatid at magulang. At higit sa lahat ay mapagmahal akong anak. Marami pa siguro akong ugali na hindi ko pa nababanggit sa akdang ito. Siguro mababanggit ko rin yon sa ibang mga pagkakataon. Kung talent naman ang pag-uusapan, masasabi kong mayroon din naman ako. Ang pagkanta ay itinuturing kong isang talento na galling sa Diyos. Sa mga talentong pinasabog sa mundo, nasubukan ko na rin namang sumayaw lalo na kapag may kasiyahan sa aming angkan.
Ito ay isa lamang maikling pagpapakilala ng sarili ko. Sa pagdaan ng mga panahon, madadagdagan pa ang maisusulat ko tungkol sa sarili ko at sa aking paglalakbay. Mahaba pa ang buhay. Ngunit kung ito na ang huling akdang magagawa ko, at least naranasan kong magsulat. Naranasan kong magkwento ng aking buhay.
Ang pagkakilala ko sa aking sarili – Katherine A. Mancenido
Ako pala yung tipo ng tao
Na maingay at sobra sa likot.
Hindi nabibingi sa kaingayan,
Pagkat sa akin ito’y kapayapaan.
Kung ako’y iyong titignan,
Malakas at matapang,
Siga at walang inuurungan
Ang iyong makikita.
Ngunit sa katotohanan ay
Ako’y mahina at laging nag-iisa.
Kalungkutan ay bumabalot
Sa aking puso’t isipan.
Nagmimistulang batang naliligaw
Sa gitna ng mundong makasalanan
Di malaman kung saan tutungo,
Sapagkat gabay ay aking kailangan.
Nahanap ko ang bahagi ng buhay ko
Sa tulong ng tunay kong kaibigan.
Di nila ako pinabayaan,
Naging ama’t ina sa aking mga mata.
Ako yung tipo ng tao
Na kaibigan lang ang hanap.
Pagmamahal na mula sa kanila
Aking laging inaasam.
Ako’y natutong ngumiti at tumawa
Sa kabila ng maraming problema.
Sapagkat ako’y malaki na
Kailangang tumayo sa sariling paa.
Ako’y magiging matatag
Sa anumang hamon ng buhay.
Pangarap na nais makamtam,
Pagsisikapan na maabot.
Ako pala yung tipo ng tao
Na makulit at masayahin
Ito ang nais …
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Madaling Maging Tao Mahirap Magpakatao Kahulugan At Paliwanag