Heto Ang Buod At Gintong Aral Ng “Alamat Ng Makopa”
ALAMAT NG MAKOPA – Sa paksang ito, tatalakayin natin ang buod at gintong aral na makikita sa “Alamat Ng Makopa”.
Noong unang panahon, ang mga tao ay mabait at masunurin. Sila rin ay makikita na masipag at palaging nagdarasal. Kaya naman, namumuhay sila ng payapa at maligaya sa isang nayon.
Sa luob ng simbahan sa kanilang nayon, mayroon gintong kampana na nagsisilbi bilang inspirasyon para sa lahat ng taga nayon. Ito’y sagrado at labis na iniingatan ng mga tao.
Pero, naka rating sa mga masasamang tao sa malayong pook ang balita tungkol sa gintong kampana. Dahil dito, na silaw ang mga masasamang tao at gusto rin nila magkaroon ng masaganang buhay. Kaya, napag-isipan nila na nakawin ang kampanang ginto.
Nabalitaan naman ng mga pari ang masamang hangarin ng mga masasamang taong ito. Kaya naman, ibinaba nila ang kampana sa bakuran ng simbahan. Sabi pa nila na bibigyan nila ng proteksyon ang kampana kahit sila pa’y mamamatay.
Nang nakarating ang mga masasamang tao, sila’y nagalit dahil hindi nila mahanap ang kampana. Hindi rin sinasabi ng mga tao sa luob kung nasaan ang kampana. Kaya naman, pinatay ng mga tao ang lahat ng tao sa loob.
Inilibing ng mga pari ang mga sakristang namatay. Simula noon, hindi na narinig ang kampana. Dahil sa pangyayari, nawalan ng ganang maghanap-buhay at nawalan ng sigla.
Pero, isang araw, nagulat na lamang ang taong bayan nang makita ang isang puno na tumubo at mabilis na lumaki sa bakuran ng simbahan. Ito’y nagbunga ng mga maraming hugis kampana. Makikislap na pula ang labas at maputing parang bulak ang laman.
Sapagkat nasa bakuran ng simbahan ang mga bunga ay sa gintong kopa sa simbahan naihambing ng mga tao.
Simula noon, ang puno ay nakilala sa tawag na Makopa.
BASAHIN RIN: Ano Ang Erehe? – Kahulugan At Halimbawa Nito (Noli At El Fili)