Ano Ang Komunikasyon Kahulugan At Halimbawa Nito

Ano Ang Kahulugan Ng Komunikasyon At Mga Halimbawa Nito? (Sagot)

ANO ANG KOMUNIKASYON – Sa paksang ito, ating aalamin kung ano nga ba ang tinatawag na komunikasyon at ang kahulugan nito.

Ang Komunikasyon ay ating pangunahing instrumento upang magpalit ng impormasyon sa isa’t-isa. Mayroong dalawang pangunahing uri ng komunikasyon – Berbal at Di-Berbal.

Sa sinaunang panahon, hindi pa na imbento ang wika. Kaya naman, gumamit ang mga sinaunang tao ng mga ukit sa bato, lengwahe ng katawan (body language), mga simbolo, at iba pang di berbal na uri ng komunikasyon.

Ano Ang Komunikasyon Kahulugan At Halimbawa Nito

Ngunit, pagkalipas ng panahon, marming pagbabago ang naganap. Natutong sumulat ang mga tao at nabigyan ng kahulugan ang mas maraming simbolo at naging mas madali ang pag salin ng impormasyon.

Sa kasalukuyang panahon, ang pangunahing instrumento ng komunikasyon ay ang wika. Bukod rito, gumagamit rin ang mga tao ng pagsulat.

Marami ring dahilan kung bakit mahalaga ang komunikasyon. Isa pamamagitan ng mahusay at maayos na pakikipag-usap at pakikisalamuha sa kapwa, mas lalo tayong nagkakaroon ng pagkakaintindihan at pagkakaunawaan.

Higit pa rito, ang komunikasyon ay isa rin sa mga paraan upang ipahayag natin ang ating mga damdamin. Dahil bilang mga tao, isa tayong tinatawag na “emotional creatures”.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN RIN: Kay Selya Maikling Buod (Mga Saknong Sa Florante At Laura)

Leave a Comment