Hudhud Ni Aliguyon Tauhan At Mga Katangian Nito

Sino-sino Ang Tauhan Sa Kwentong “Hudhud ni Aliguyon”? (Sagot)

HUDHUD NI ALIGUYON – Sa paksang ito, ating pag-aaralan ang iba’t-ibang mga tauhan sa kwentong “Hudhud Ni Aliguyon” at ang mga katangian nito.

Ang hudhud ay isang mahabang kwento na kadalasang kinakanta sa mga okasyon. Ang hudhud na ito ay isa sa mga paboritong kantahan ng mga Ifugao sa mga bulubunduking rehiyon ng Hilagang Luzon.

Ito ay tungkol sa matapang na lalakeng si “Aliguyon”. Kadalasan itong kinakanta tuwing panahon ng pag-aani. Heto ang mga tauhan ng kwento at mga katangian nila.

Hudhud Ni Aliguyon Tauhan At Mga Katangian Nito

Aliguyun– ang panunahing tauhan sa kwento, isang tao na matalino at masipag matuto sa ibat-ibang bagay. Siya ang nakipaglaban kay Pumbakhayo.

Amtalao at Dumulao– ang mga magulang ni Aliguyun

Panga-iwan– ang kaaway ng ama ni Aliguyun. Ang ama mi Pumbakhayo.

Pumbakhayo– ang sumagot sa hamon ni Aliguyun. Isang din mabangis sa pakikipaglaban, marunong din sa hiwaga at bihasa sa bakbakan.

Mga tao- mga tao sa kanila-kanilang nayon

Bugan– ang napangasawa ni Aliguyun.

Aginaya– ang napangasawa ni Pumbakhayo

Ang Hudhud na ito ay nagsasalaysay na kahit mag pinagkaiba tayo ng pananaw at paniniwala, posible pa rin ang pagrerespeto sa kapwa. Katulad lamang sa Hudhud ni Aliguyon na natutong i respeto ang kalaban at gumawa ng kasunduang kapayapaan sa Hannanga at Daligdigan.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN RIN: Kasabihan Tungkol Sa Edukasyon – Halimbawa At Paliwanag

Leave a Comment