Ano Ang Mga Halimbawa Ng Isyung Moral Sa Ating Buhay? (Sagot)
ISYUNG MORAL – Sa paksang ito, ating pag-aaralan ang iba’t-ibang mga halimbawa ng isyung moral sa ating buhay.
Ang mga isyung moral ay nakabatay sa maraming bagay katulad ng kultura, tradisyon, politika, at iba pa. Subalit, kahit ano man ang pinagkakaiba ng mga ito, mayroong paring tinatawag na “Universal Morals” na ating dapat bigyang halaga.
Heto ang mga halimbawa ng Isyung Moral:
- Isyung moral sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot
- Isyung moral sa pagka adik sa pag inom ng alkohol
- Aborsyon o ang pagtanggal sa sanggol mula sa sinapupunan
- Euthanasia o mercy killing
- Suicide
- Korapsyon
- Panunuhol o bribery
Pero, ating tandaan na ang ibang mga isyung moral ay sila ring nagiging hadlang sa pagprogreso ng isang komunidad at kultura. Dahil dito, kailangan natin mag hanap ng paraan upang mabigyang solusyon ang mga isyung ito.
Ngunit, bago natin gawin iyon, kailangan muna nating siguraduhin na tayo ay may bukas na pag-iisip sa mga isyung kaunti lamang ang ating alam. Hindi dapat tayo maging bias at magpadala-dala sa mga luma at hindi progresibong pag-iisip.
Ating tandaan na ang mga tao ay mayroong kabutihan at atin ring aalahanin ang resulta ng mga aksyon ng isyung moral sa ating buhay. Hindi lang dapat natin aalahanin kung ano ang mangyayari sa atin bilang indibidwal, kundi pati na rin sa ating mga kapwa.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN RIN: Mapanagutang Paggamit Ng Kalayaan Kahulugan At Halimbawa