Ano Ang Mga Saklaw Ng Heograpiyang Pantao At Ang Mga Halimbawa Nito? (Sagot)
SAKLAW NG HEOGRAPIYANG PANTAO – Sa artikulong ito, ating tatalakayin at pag-aaralan ang halimbawa ng saklaw ng heograpiyang pantao.
Sa Ingles, ating matatawag na “Geographical Culture” ito. Ang heograpiya ay laging mauugnay sa mga taong naninirahan dito. Heto ang dahilan kung bakit sa loob ng Pilipinas, iba’t-iba ang kultura ng mga tao sa ibat’-ibang parte ng bansa.
Bukod sa pisikal na heograpiya na naglalarawan sa mga sakop ng isang bansa o lugar, mayroon ding tinatawag na heograpiyang pang tao. Heto ang mga halimbawa saklaw nito:
Lahi / Pangkat Etniko – Hindi na nating kailangan tumingin pa sa ibang bansa. Sa Pilipinas mismo, ating makikita ang pag iba’t-ibang pangkat etniko na naninirahan sa iba’t-ibang mga isla sa Pilipinas.
Ang isang pangkat etniko ay pinag-uugnay ng magkaparehong kultura, tradisyon, at paniniwala. Kaya nauugnay ang mga tao sa heograpiya dahil ang mga pangkat na ito ay kadalsang nakikita sa iisang lugar.
Wika – Ang wika ay isa sa mga instrumentong nagpapakita ng ating pagkasarinlan sa ibang kultura. Sa Pilipinas, marami tayong wika at diyalektong maririnig depende sa kung saang isla tayo.
Relihiyon – Ito’y iba’t-ibang paniniwala ng mga tao sa buong mundo ukol sa makapangyarihan Diyos. Dahil sa mga paniniwalang ito nagiging batayan ito ng pagkilos ng tao sa kanyang pamumuhay.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN RIN: Kabutihan O Kasamaan ng Kilos Ayon Sa Paninindigan