Ano Ang Tinatawag Na Saklaw At Limitasyon At Halimbawa Nito
SAKLAW AT LIMITASYON – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang tinatawag na saklaw at limitasyon at ang mga halimbawa nito.
Ano ang saklaw at limitasyon?
Ito ay naglalarawan sa kung sakop ng isang pagsasaliksik o akademikong sulatin. Ang dalawang terminong ito ay isa sa pinakamahalagang parte ng isang pananaliksik dahil:
- Ito ang tumutukoy sa kabuuan ng isyung napiling pag-aralan
- Ito ay nagpapakita nang hangganan ng pananaliksik.
Mahalaga ito para maging konkreto at madaling maintindihan ang pananaliksik na gagawin. Maraming bagay ang maaaring bigyan ng pansin sa isang pananaliksik. Subalit, marami rin dito ang hindi naman mahalaga para sa kabuang dahilan ng pag-gawa nito.
Paano malalaman ang saklaw?
Halimbawa, ang nais mong aralin ay ang epekto ng Online Games sa pag-aaral ng mga bata – mas maigi kung lilimiatahan lamang ang saklaw sa isang uri ng Online Game at kung anong edad ng mga bata ang sakop.
Paano malalaman ang Limitasyon?
Sa halimbawa sa itaas, ang limitasyon natin ay maaaring maging ang larong “Mobile Legends” lamang. Samantala, ang edad ng bata na ilalagay sa pananaliksik ay mga batang 13-17 na taon lamang.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN RIN: Hakbang Sa Moral Na Pagpapasiya Halimbawa At Kahulugan