Ano Ang Halimbawa At Kahulugan Ng Sabayang Pagbigkas? (Sagot)
SABAYANG PAGBIGKAS – Mayroong dalawang uri ng Sining Ng Pagbigkas, sa paksang ito, tatalakayin natin ang halimbawa at kahulugan ng “Sabayang Pagbigkas”.
Ito ay isang masining na paglalarwan o pagbibigay kahulugan ng isang paksa sa pamamagitan ng malakas na pagbabasa ng isang koro o grupo. Ito ay maaaring gawin sa anumang anyo ng panitikan.
Nangangahulugan lamang na hindi lang tula ang maaaring bigkasin sa Sabayang Pagbigkas. Maaari ding gumamit ng iba pang anyo ng panitikan bilang pyesa kagaya ng Sanaysay, bahagi ng kwento, Dula o Nobela.
Ayon naman kay Abad (1996), ang Sabayang Pagbigkas ay kawili-wiling pagbibigay buay at pagpapahalaga sa panitikan sa pamamagitan ng pagsanib-sanib ng mga tinig ng isang grupo ng tao sa wastong tunog, puwersa, at kalakasan ng pag bigkas.
Heto ang isang halimbawa:
FILIPINO, WIKA NG SALIKSIK – Jennifor L. Aguilar
Nagpupumilit, naggugumiit, nagsusumiksik
Pinipilit, ginigiit, sinisiksik
Wikang Filipino’y ihanay sa mga wika ng daigdig
Makamit ang antas maging wika ng saliksik
Hindi mararating ni hindi maihahambing
Maging higanteng wika’y suntok lamang sa dilim
Hangga’t walang bait, buti at panalanging taimtim
Na gamitin sa saliksik ang wika nating angkin
Sa mga paaralan, ni hindi nga pinapansin
Mga guro’t administrador, napakababa siyang tinuturing
Matatalinong usapin, debate’t mga sulatin
Ni hindi maipilit na gamitin lang man din
Pagka’t Filipino’y wikang mabalasik
Kung magpupumilit ay may makakamit
Kung maggugumiit, tuluyang makasasapit
Kung magsusumiksik, magiging wika ng saliksik
BASAHIN RIN: Flerida At Mga Katangian Nito – Tauhan Sa Florante At Laura