Flerida At Mga Katangian Nito – Tauhan Sa Florante At Laura

Sino Si Flerida At Mga Katangian Nito

FLERIDA – Sa paksang ito, ating tatalakayin ano sino si Flerida at mga katangian nito sa kwentong “Florante at Laura”.

Si Flerida ay ang kasintahan ni Aladin na taga-Persya na siya namang anak ni Sultan Ali-Adab. Ang babaeng ito ay maganda at napakarikit sa kabilugan ng kaharian. Dahil dito, siya ay labis na nagustuhan ng Sultan.

Flerida At Mga Katangian Nito – Tauhan Sa Florante At Laura

Bukod dito, si Flerida ay isang matapang at malakas na babae at handang harapin ang mga hamon sa kanyang buhay. Kahit paman sultan ang umiibig sa kanya, hindi pa rin siya pumayag na ikasal dito.  Kahit kamatayan man ay handa niyang harapin huwag lang maikasal sa Sultan.

Tanging si Flerida lamang ang may lakas ng loob na harapin ang sultan. Ang masaklap pa ay mismong ang ama pa ng Kasintahan niya ang gumagawa ng paraan upang maagaw si Flerida sa kanyang anak.

Sina Aladin at Flerida ang mga tauhang Moro na lumigtas sa magkasintahang Kristiyano na sina Florante at Laura. Pinakita ni Aladin at Flerida na hindi mahalaga ang pananaw ng ibang tao sa pagbibigay ng tulong.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN RIN: Pagmamahal Sa Bayan Halimbawa – Paano Ito Ipakita

Leave a Comment